Nagsimula akong mag gym nung ako ay nasa Pilipinas pa, it was last October of 2007 I believe.
Sinimulan ko munang magpataba nun, dahil alam kong mas mabilis maging muscle or mas madaling ma tone ang katawan mo pag mataba ka. Ang timbang ko nun ay nasa 135~140lbs pa ata.
Unang araw ko sa gym, andun si Jane, siya nag aya sa akin mag gym, pero nuon pa man ay binalak ko na talaga, wala lang akong kakilala at nahihiya pa ako nun, suplado ako nun. Ako ang taong di unang gagawa ng move or small talk para makipagkilala. Buti nalang at andun nga si Jane. Nag enroll ako sa kalapit bayan namin dahil walang fitness center dun sa bayan namin, tinanong ako ng instructor kung anong mga balak ko, at ang goal ko nun eh maging tone man lang ang katawan at mawala ang tiyan. Desidido talaga ako nung una pa man, kaya naman ang pinagawa sa akin ay ang abs workout, crunches muna, dun sa ab roller ba. Makalipas ang ilang repetitions ay pinag bench press naman ako, mga dumbbell flyes, at kung ano ano pa, para sa akin, sobra sobra ata ginawa ko nung araw na yun.
Pero bago yun, mag stretching daw muna ako para di sumakit ang katawan. Pero di epektib, sumakit pa din katawan ko kinabukasan. May pasok din ako nun kinabukasan, pag gising ko, hindi ako makabangon, talaga namang tinamaan ng kalabaw. Para akong nagsaka ng isang buong palayan sa loob ng isang araw. Lahat ng parte ng katawan ko ay masakit, gustohin ko mang uminom ng pain reliever para kahit papaano ay maibsan ang aking nararamdamang sakit. Pero di pwede, kailangang tiisin, mararamdaman mo ang sakit. Hubarin mo man ang suot mong damit ay talagang hindi mo magagawa. Kahit gustohin mong sabunin ang katawan mo, masakit parin.
Kaya nung pumasok ako sa school nun. Ang sarap ng pakiramdam, alam mong nagawa mo ang unang step para sa goal mo sa iyong katawan. Tinuloy tuloy ko ang pag punta sa gym kahit masakit ang katawan, hanggang sa masanay at pabigat ng pabigat ang ginagawa. Pati sa pagkain ay sinimulan kong kontrolin ang sarili ko, masakit man nuon na i give up ang kanin dahil nakasanayan na pero para din sa sarili eh natutunan kong kahit minsan eh half rice or no rice. kaya mabilis din nakatulong sa pag babago. Pati ang klima, sa sobrang init ng panahon nakakatulong sa mabilis na pagpapawis.
Pag dating ko sa US, after 3 months kong pag gi gym eh nabakante ako, nuong una pa diet nalang muna dahil wala talagang gym, meron kaso walang nagpupunta sa mga pinsan ko nun kaya di naging madali, hanggang sa lumipas ang araw at lumobo nanaman ako, bumalik ang dati kong katawan, from size 29w naging 32w nanaman, pati timbang bumalik sa dati. Nag gym din kami mga July ata ako, nag enroll sa fitness center, ako ang taga yaya nila pag punta dun, mas maganda may kasama para mas madali ang mga goals na ma achieve. Natuto din ako mag basketball ng pakaunti, masarap ang pakiramdam, talaga lang hinihingal ako nun. Meron din kaming tennis nun every weekend, sa sobrang sarap gumagaling kami every week.
Natigil ulit iyon.
Kaya simula nung nakalipat ako sa Vegas, nag simula akong mag diet, bumili si whiteboi ng Bowflex, eh manong na manong, kaya nakapag adjust din ako sa pagkain, no rice na ulit. Every other day ay nag wowork out ako, ang hirap lang, hindi ako pinapawisan, pero kahit papaano meron nangyayari.
Buti nalang nakahanap din ako ng trabaho, sa trabaho ko, nakakalibre ako ng lakad, sa loob ng 5 oras ay naglalakad ako sa trabaho, paikot ikot lang, pati lugar ng work ko ay walking distance lang din kaya naman isa pa yun sa work out sa legs (sa tingin ko). Kalapit ang grocery store, nakakabili din ako ng mga pagkain.
Diet ulit, dito iba naman, Cereals sa umaga, Wheat bread sandwich pag nagutom, Salad sa hapunan or pati sa work. Marami ang nahihirapan, o hindi kumakain ng salad, minsan nasa dressing, kaya paiba iba ako ng dressing, minsan Buttermilk, Ranch, at Olive Vinaigrette. Meron din mga ulam, buti at nag tatrabaho si Happy sa Resto, kahit papaano ay nakaka kain din ako ng mga ulam.
Week 1Mahirap. Pero kailangan. Inabot hanggang Week 4, Pero ang sumunod na linggo, pag uwi ko ng Santa Maria, nag wowork out na din mga pinsan ko sa bahay, pero gamit ay P90x, sinubukan ko, dahil nga lazy week after ng 4th week. May weighing scale sila, dahil di ko na alam ang timbang ko simula nung mag diet/workout ako, kinuha ko ang weight ko, from 135/145 bumalik ako sa 122.2lbs, natuwa naman ako kahit papaano eh may nangyari.
Sinubukan ko ang P90x. Mano mano ang work out, walang tigil, ang masama, kumain ako ng hapunan mga around 11pm, right after, sinalpak ni daddy d ang p90x, wala akong nagawa kundi gawin ang workout. Isang oras ang workout, susundan mo ang gagawin ng trainer sa dvd. Pinag Push ups ako, Pull ups, Flyes, mga resistance. Parang Military Training, pero sa tingin ko basic palang yun.
Nagawa ko naman. Pagkatapos, sila naman, nag yoga, dahil sa sobrang sore nila, Yoga naman ang pangtanggal, kaya ako nakisali ulit after nung workout ko. 1hour and 32 mins ang yoga. Tinigilan namin after an hour.
Kinabukasan, masakit ulit. Pero nakatulong ang yoga. Apat na araw na masakit ang katawan ko, parang day 1 ng gym ko sa pinas. Pero miss mo yung feeling nun.
Kaya ngayon. Week 6 ko na back to Week 1. Underweight ako, kahit papaano eh makakakain ako kahit kanin, brown rice nga lang. Pero kahit anong kainin ko okay lang sa ngayon, kailangan lang i maintain. kaya puro binge lang.