Monday, April 27, 2009

Small talk.

Eto yung usapan na wala lang. Pampalipas oras. Pero maraming kung ano ano.

Halimbawa, nagbabasa ka sa bleacher, tapos biglang napadaan ang kaklase mo, bukod sa hi-hello, mandatory ang kaunting chit chat. Babatiin ka ni classmate: "Nagbabasa ka?" gusto mong sabihin, "Obvious ba?" pero siyempre magpapaka nice ka, at dahil ayaw mong makipag usap, kahit kitang kita mong mabigat ang dinadala nyang bag at pupunta pa sa room nya pero itatanong mo pa rin na "kakadating mo lang?". Siguro ilang minuto lang rin tatagal ang usapan ninyo, pero sa totoo lang, wala naman kayong pinag uusapan. Small talk nga.

Meron pa. Small talk sa binyag, sa kasal, sa party. Nag abala kang mag bihis, tapos pauupuin ka sa lugar na wala kang kakilala. Talo mo pa ang may surgery na walang anesthesia , lahat ng istorya nya eh sasabihin nya sa'yo, hindi mo sya kilala, pero tuloy parin ang salita. Small talk nga.

Meron pa. Sa Gym, tumakbo ka ng mga 2miles. Nag pahinga ka sandali sa lugar na lagi mong inuupuan tapos tatakbo ulit. May lumapit sa iyo at sinabing: "catching your breath too?". Obvious pa rin, hindi ka makasagot kasi nga hayun ang sitwasyon mo. *I nod-ed*. Tumayo ako, pati sya, sumabay sa pagtakbo at nag kwento. Small talk parin.

Dapat ang small talk parang one-night stand. Ang pagkakaiba lang walang orgasm. Puro foreplay lang, small talk nga eh, walang peak ang paroroonan. Dapat kinabukasan, kakalimutan. Kaso ang problema, pag nakipag small talk sya ulit, ganun pa rin, parang naghahanap ng bestfriend.

Nung nasa Pilipinas pa ako. Pag may nakasabay kang kaibigan, pakiramdaman, sino ang magbabayad sa sino. Syempre papayag kang malibre, 17 Pesos din yun, kaso ang lagay, ikaw ang may dala ng kwentuhan. Ganun talaga sa kasulatan, nag uunahan kayo ng pera sa pagdukot para ibayad ang isa. Kung ano anong obvious tuloy ang masasabi mo kasi nilibre ka. "Ang traffic noh?", "ang bagal ng jeep", o kaya "may quiz ka?" dahil meron syang binabasa na xerox copy.

Sa trabahong pinapasukan ko, ibang level ang small talk. Madalas sino-showbiz ka. May makakasabay ka sa break room, sempre andun pa rin ang hi-hello.

Co-worker: Ganda ng soot mo. Mag mo move ka?

Ako: Salamat.... Hindi ko alam. Saan daw?

CW: Kala ko dun sa LA.

A: Sinong nagsabi?

CW: Sila sila.

A: (Halatang hinuhuli ka lang kasi sinabi ko lang sa manager ko. Nginitian ko nalang)

CW: Dapat mag file ka ng 2weeks para hire-in ka ulit nila pag mag aapply ka.

A: (Nginitian ko nalang ulit at buntong hininga.)

4:59 na noh, tagal mag 5pm.

CW: Oo nga, tagal noh?

---------------
Ayos.........

No comments:

Post a Comment